Pagpapalago ng Turismo sa Pilipinas
Gaano ba kahalaga ang Turismo sa Pilipinas? Anu-ano nga ba ang magiging epekto ng paglago ng turismo sa ating bansa? Sa papaanong paraan natin mapapalago ang turismo sa ating bansa? Sino-sino ba ang makikinabang kung sakaling lumago ang turismo dito sa ating bansa? Saan-saang lugar ba posibleng maging atraksyon sa pagpapalago ng turismo? Masisiguro ba ang kaligtasan ng mga turista na bibisita sa ating bansa gayong laganap ang terorismo at kaguluhan sa ating bansa partikular sa Mindanao?
Ang bansang Pilipinas ay natural na mayaman sa mga likas na yaman. Puno ito ng magagandang lugar at tanawin. Dinadayo ito ng mga turista dahil sa maganda o tropikal nitong klima. Gayon din pagdating sa mga pagkain dahil likas itong mayaman sa "exotic food at Sumptuous Delicacies " gaya nga kung tawagin na talagang dito lang sa ating bansa matitikman.
Sa pagdami ng turista sa dumarayo sa dating basna ay siya namang paglago ng ating ekonomiya. Ang perang ginagastos ng mga dayuhan ay nakapagbibigay ng mga bagong trabaho para sa mga mamamayang Pilipino na nakakapagpapaunlad ng ating industriya, ngunit marami man ang turistang dumarayo sa ating bansa nahuhuli pa rin ang Pilipinas pagdating sa larangan ng turismo. Kaya naman kinakailangan pang maglagak ng mga programa upang mahikayat ang mga turista na magpunta sa ating bansa.
Maraming paraan kung paano natin mahihikayat at mapapalago ang turismo sa ating bansa. Nariyan ang pagsiguro sa ating malinis na kapaligiran gaya ng malinis na hangin na malalanghap , malinis na tubig na magagamit sa pang araw araw at malinis na pagkain na siyang ihahain sa mga turista upang matikman ang ating mga ipinagmamalaking pagkain. Pagsasaayos ng lansangan gaya ng paglilinis ng mga ilog at mga kanal, pagsasaayos ng batas trapiko at iba pa. Pagsasaayos ng mga pasilidad na magagamit ng mga dayuhan sa ating bansa. At higit sa lahat ay ang pagpaparamdam ng mainit na pangtanggap sa kanila bilang isang bisita.
Tayo ring mga Pilipino at maging mga dayuhan ay makikinabang sa kung ano mang biyaya ang ating mararanasan kung mapapalago at mapapaganda natin ang turismo sa ating bansa. Higit na maiinganyo ang mga dayuhan kung ating mas aayusin ang pagpapalakad sa ating turismo.
Marahil, marami mang kaguluhan ang nangyayari sa ating bansa ngayon lalo't higit sa Mindanao, hindi naman ito hadlang para mapalago natin ang ating turismo. Ang pamahalaan natin ay gumagabay sa lahat ng turista na pumapasok sa atin. Sinisiguro at pinapanatili nila ang kaligtasan at kaayusan sa mga destinsyon na pinupuntahan ng mg turista tulad na lang sa Palawan, Bohol, Cebu, at marami pang iba.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento